minsan naaalala ko ang aking hayskul life..madalas ko ring naikukumpara ang buhay ko ngayong college sa buhay ko nuong hayskul..
di hamak na masaya ako sa buhay ko ngayong college noh..kasi naman nung hayskul hirap na hirap akong kumilos sa aking dating paaralan..
ang mundo duon ay para lamang sa iilan..sa mga sikat at sa mga magagaling lamang..napakadaya!..hindi ka napapansin kasi sila lang ang pinapansin..you cannot shine in that environment..
i'd be honest and candid..kung nabigyan sana ako ng pagkakataon nuon ei di sana nuon pa mas na-explore ko yung mga strenghts and weaknesses ko..gustung-gusto kong sumali sa mga patimpalak sa loob at labas ng paaralan namin, pero as usual puro magagaling lamang ang pinipili..helow! magaling din naman ako noh!!!..ang unfair talaga!!!!
siyempre, andyan yung mga "famous" sa school na bidang-bida lagi..akala mo kung sino kung umasta..yeah! they are sociable dun sa mga feel lang nila..well, wala naman akong pakialam sa kanila kasi ayaw ko rin naman silang maging kaibigan noh..i'm very much happy with my TrueFriends..
favoritism..favoritism..favoritism..ano pa nga ba ang masasabi ko..napakaraming plastic ang nasa autoridad..ayaw ko nalang magsabi kung sino sila..just read between the lines..
well, nasa akin pa rin ang huling halakhak!!!..kasi ngayong college ibang-iba na ang buhay ko..well, well, well..democratic dito sa U.P noh..mapapansin ka talaga kung magaling at may values ka..kumbaga academic excellence with values..
iba-iba man ang klase ng tao dito, pero madali namang pakisamahan basta maging totoo ka lang sa kanila..and take note, basta hindi mo nilalabag ang karapatan nila..it's what you called freedom of rights..siyempre yung rights na yun ay mabuti noh..
natuto akong ipaglaban ang karapatan ko..hindi na ako katulad ng dati na tatahimik na lang sa mga nangyayari..i explore my weaknesses and strengths..marami-rami na rin akong nagawa na hindi ko magawa sa dati kong paaralan..
at higit sa lahat mas nakilala ko ang sarili ko..at namulat ang aking mga mata sa nangyayari sa aking kapaligiran..salamat UP..goodbye "high school"..
korek!
ReplyDeleteang sa 'kin naman, masaya ang hs life dahil malalim na talaga ung pinagsamahan natin dung magkakaibigan. pero kung "success" and "maturity" ang pinaguusapan, syempre mas nangingibabaw sa 'tin ang college :D