ang ulan ang nagpaparamdam sa akin ng kalungkutan..na ang mundo ay puno ng kalungkutan..na maraming pagsubok ang kailangang harapin at suungin..
ang buhay na sadyang madaya..ang pag-ibig na sadyang kay pait..ang lipunan na sadyang mapanghusga..ang sariling sadyang kay hina..
ngunit ito ako..hindi susuko..patuloy ang ikot ng aking mundo..sadyang ganito ang buhay..ang hirap maunawaan..sa dinami-dami ko ng pinagdaanan sa buhay, simple man ito o kumplikado..eh ano, masaktan man ako ng paulit-ulit, alam kong lahat ng bagay na nangyayari sa aking buhay ay may dahilan..hindi ko man ito mapagtanto sa ngayon, alam ko balang araw mauunawaan ko rin ang mga ito..
tama ang sinasabi ng karamihan na tumawa at ngumiti ka lang para maibsan ang problema na iyong nararanasan..
No comments:
Post a Comment