Sunday, August 16, 2009

It Is Enough!!!

hindi kasi ako marunong makinig sa payo ng besprend ko..ang tigas kasi ng ulo ko..ayan tuloy, nasaktan na naman ako dahil sa kagagawan ko..tsk! tsk! tsk!

hahaha! sermon tuloy ang inabot ko sa kanya..okei lang..alam ko naman na kasalanan ko yun ei..pero sisiguraduhin ko na yun na ang huli..ayaw kong mangako..gagawin ko na lang sa abot ng aking makakaya..

ayaw ko na!!!..aral na sa akin yun..tao lang naman ako ei..its time to redeem myself..wahahaha!

Sunday, August 9, 2009

College Life vs. High School Life

minsan naaalala ko ang aking hayskul life..madalas ko ring naikukumpara ang buhay ko ngayong college sa buhay ko nuong hayskul..
di hamak na masaya ako sa buhay ko ngayong college noh..kasi naman nung hayskul hirap na hirap akong kumilos sa aking dating paaralan..
ang mundo duon ay para lamang sa iilan..sa mga sikat at sa mga magagaling lamang..napakadaya!..hindi ka napapansin kasi sila lang ang pinapansin..you cannot shine in that environment..
i'd be honest and candid..kung nabigyan sana ako ng pagkakataon nuon ei di sana nuon pa mas na-explore ko yung mga strenghts and weaknesses ko..gustung-gusto kong sumali sa mga patimpalak sa loob at labas ng paaralan namin, pero as usual puro magagaling lamang ang pinipili..helow! magaling din naman ako noh!!!..ang unfair talaga!!!!
siyempre, andyan yung mga "famous" sa school na bidang-bida lagi..akala mo kung sino kung umasta..yeah! they are sociable dun sa mga feel lang nila..well, wala naman akong pakialam sa kanila kasi ayaw ko rin naman silang maging kaibigan noh..i'm very much happy with my TrueFriends..
favoritism..favoritism..favoritism..ano pa nga ba ang masasabi ko..napakaraming plastic ang nasa autoridad..ayaw ko nalang magsabi kung sino sila..just read between the lines..
well, nasa akin pa rin ang huling halakhak!!!..kasi ngayong college ibang-iba na ang buhay ko..well, well, well..democratic dito sa U.P noh..mapapansin ka talaga kung magaling at may values ka..kumbaga academic excellence with values..
iba-iba man ang klase ng tao dito, pero madali namang pakisamahan basta maging totoo ka lang sa kanila..and take note, basta hindi mo nilalabag ang karapatan nila..it's what you called freedom of rights..siyempre yung rights na yun ay mabuti noh..
natuto akong ipaglaban ang karapatan ko..hindi na ako katulad ng dati na tatahimik na lang sa mga nangyayari..i explore my weaknesses and strengths..marami-rami na rin akong nagawa na hindi ko magawa sa dati kong paaralan..
at higit sa lahat mas nakilala ko ang sarili ko..at namulat ang aking mga mata sa nangyayari sa aking kapaligiran..salamat UP..goodbye "high school"..

Monday, August 3, 2009

Closest Friend in UPLB..


although marami akong kaibigan sa UPLB, si Joyce Loesterli ang superclose friend ko..nagkakilala kami, kasi magblockmate kami..pagakatapos nun, umusbong na yung friendship..



super komportable ako pag magkasama kami..kilala niya yung tunay na ako..kumbaga nailalabas ko yung natural na ako..walang ilangan..



masaya ako pag kasama ko siya..kasi nagtatawanan kami, nagbabarahan, nagchichismisan, namamasyal sa LB, nagbabarahan, at kung anu-ano pa..hahaha!


sweet siya..kasi bigla bigla na lang yang nagbibigay ng kung anu-ano..katulad ng letters..nagulat at natuwa ako nung binigyan niya ako..ei letter pa naman yung isa sa mga bagay na gusto kong matanggap..kasi para sa akin mas sincere ang letter kesa sa mga material gifts na binibigay sa'yo..
alam niya yung mga sikreto ko..hahaha!..pati sikreto niya..wahaha!..mahilig sa purple ang babae na ito..minsan ang tawag ko sa kanya ay purple girl..hehe..parang ako, mahilig naman ako sa green..
sana mas maging strong yung bonding namin at yung friendship namin..mahal ko ang taong ito kasi siyempre naman, kaibigan ko siya na laging andyan..karamay ko sa saya at sa kalungkutan dito sa UPLB..


Sunday, August 2, 2009

Rainy Days..

ang ulan ang nagpaparamdam sa akin ng kalungkutan..na ang mundo ay puno ng kalungkutan..na maraming pagsubok ang kailangang harapin at suungin..
ang buhay na sadyang madaya..ang pag-ibig na sadyang kay pait..ang lipunan na sadyang mapanghusga..ang sariling sadyang kay hina..
ngunit ito ako..hindi susuko..patuloy ang ikot ng aking mundo..sadyang ganito ang buhay..ang hirap maunawaan..sa dinami-dami ko ng pinagdaanan sa buhay, simple man ito o kumplikado..eh ano, masaktan man ako ng paulit-ulit, alam kong lahat ng bagay na nangyayari sa aking buhay ay may dahilan..hindi ko man ito mapagtanto sa ngayon, alam ko balang araw mauunawaan ko rin ang mga ito..
tama ang sinasabi ng karamihan na tumawa at ngumiti ka lang para maibsan ang problema na iyong nararanasan..

Tears Before My 18th Birthday..

nalalapit na ang aking labing-walong kaarawan..
ngunit madalas at bawat araw na lumilipas ang bigat ng pakiramdam ko at may luhang unti-unting pumapatak sa aking mga mata..
nangyayari ito madalas kapag ako'y nag-iisa sa kwarto..
hindi ko nais makita ng sinuman na ako'y umiiyak..
naisip ko, malapit na nga pala ang kaarawan ko..
ngunit parang may kulang..may kulang sa puso ko na hindi mapupunan ng kahit na sino..
paano ang isang nag-iisang anak ay maagang nawalan ng isang ama..
hindi masisilayan ng kanyang ama ang ganap na pagdadalaga ng kanyang itinuturing na prinsesa..
innisip ko na kung andito pa siya at kapiling namin, hindi sana kami nalulungkot ng ganito..
ang hirap tanggapin na ang buhay ay sadyang ganyan..
umaasa ang nag-iisa niyang prinsesa na naging mabuti siyang anak sa kanyang yumaong ama..

This Week..

napag-isip isip ko na ngayong week pala ang dami kong exams at mga dapat gawin..well, as usual ano pa nga ba..ayun 3 ang exams ko..tapos may papers pa..pero ayaw kong ma-stress..haha!..bawal sa course namin yun..you know healthy lifestyle..
may reporting din pala ako ngayong week sa isa kong subject..aja! kaya ko ito..

Wednesday, July 29, 2009

Inspired???...Inspired???...Inspired???...

hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko lately..
madalas na lang akong napapangiti kapag pumapasok siya sa isip ko..para lang akong ewan..

madalas o palagi na lang akong masaya kahit na stressed o may problema ako..
kaso ayaw ko ng lumalim kung anoman yung nararamdaman ko sa kanya..
baka masaktan na naman ako sa bandang huli..

kaya nga humingi ako ng payo sa aking besprend..at maganda naman ang naging advise niya..

ayaw ko ng ma-inlove pero ang hirap i-control ng mga bagay na mahirap talagang kontrolin..

inspired ako..siguro nga..

Sunday, July 26, 2009

Random Thoughts..

haaiii..sa GM ko ito galing..naisip ko lang ito..

"Those who wait patiently will be given the greatest love story of all..

the love that can break the silence..the love that can speak the truth..and the love that can conquer all the odds."


"No matter how well I plan my life it always go imperfect..

I can't describe life so much because it is complex and diverse..

But no matter how perfectly imperfect my life is, I treasure my life the way it is--in its most natural way."

Saturday, July 25, 2009

Papers..Papers..Papers

haaaii naku..gagawa na ako ng scientific paper para sa NASC5 mamaya-maya..juskow p0 akala ko i'm free na from scientific papers of BIO1 and BIO2..yun pala meron pang NASC5..

next tuesday pa naman ang pasahan nun..pero time is gold..kailangan ng gumawa..sana maging accurate at maging maayos ang scientific paper ko..aba! aba! hindi madaling gumawa nun..patience, patience, ang kailangan..hehe!

pagkatapos ng scientific paper, reaction papers naman..haaiii..hindi naman ako nagrereklamo kasi ganun talaga pag college na, maraming ginagawa talaga..

buti na lang at nakapag ENG2 na ako..yehey!..at mataas ang grade na nakuha ko run..secret na lang kung ano yung grade na nakuha ko..hehehe!

TrueFriends k0..



sila ang mga TrueFriends ko..sila ay sina papi bru, nicolie, macabebe, jessie, poohchie, at mienang..


matagal na kaming magkakaibigan..kaya ayun sobrang komportable kami sa isa't-isa..


like any other friendships, dumaan din kami sa mga pagsubok..pero naovercome namin yun..at mas naging stronger pa rin yung bonding namin..


mahal ko at pinapahalagahan ko talaga ang mga tao na yan..TrueFriends talaga sila..tatanggapin ka nila kung sino ka talaga..yung love nila sa'yo unconditional, very supportive, hindi ka nila kinukunsinte kapag mali ka..at happy sila kapag may achievements ka..
despite the distance (kasi nga may pasok pa), we manage to keep the communication alive..biruin mo ngayong college na kami, ganun pa rin yung turing namin sa bawat isa..walang nabago..masaya kami pag nagkakasama..ang gulo namin..kung anu-ano na yung napag-uusapan namin at napagtitripan namin..
medyo malungkot lang ako..kasi sa christmas vacation pa ulit yata kami magkikita-kita..you know college life masyadong busy..haaaiiii..
sila ang isa sa mga inspiration ko sa buhay aside from my parents..kaya go lang ako ng go..despite all my struggles and hardships..that's life naman di ba..
lab yah TrueFriends..